Friday , November 15 2024

Force evacuation sa komunidad na nilamon ng sinkhole sa Benguet

BAGUIO CITY – Nadagdagan pa ang mga pa-milyang nagsilikas sa Kamanggaan, Virac, Itogon, Benguet, dahil sa banta nang paglubog ng lupa na sanhi ng sinkhole sa naturang lugar.

Ito’y nang lumawak pa ang sakop ng nasa-bing sinkhole na lumamon sa ika-anim na bahay roon habang pinangangambahang mahuhulog ang iba pang kabahayan.

Ayon kay Virac Punong Brgy. Noel Bilibli, pinag-iisipan na nila ang pagpapatupad ng forced evacuation sa iba pang mga residente roon bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon.

Dagdag ng punong barangay, ililihis ang tubig na dumadaloy sa tunnel 1 patungo sa tunnel 2 upang mapasok ng investigating team ang natu-rang sinkhole at malaman ang dahilan ng pagkakaroon nito.

Sa ngayon, aabot na sa 60 pamilya o 221 indibidwal ang lumikas sa evacuation centers, bukod sa 60 pamilya na nakikitira ngayon sa kanilang mga kamag-anak.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *