Friday , November 15 2024

Ejercitos panggulo sa eleksiyon – Afuang

afuang ejercitoHINILING sa Commission on Elections (Comelec) na ideklarang nuisance candidates ang mag-amang sina Emilio Ramon “ER” Ejercito III at Jorge Antonio Ejercito na kapwa kandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa petitioner na si Abner Labastida Afuang, dapat ideklara ng Comelec na nuisance candidates o panggulo ang mag-amang Ejercito dahil inilalagay nila sa kahihiyan at ginagawang katawa-tawa ang election process ng bansa.

Sinabi ni Afuang, hindi na dapat tanggapin ang kandidatura ni Ejercito III dahil siya ay idineklarang ‘disqualified’ ng Comelec noong Setyembre 2013 bilang gobernador ng Laguna bunsod nang sobrang paggastos sa election campaign, alinsunod sa Section 68 ng Omnibus Election Code.

Ang resolusyon ay pinagtibay ng Comelec En Banc sa resolusyon na may petsang Mayo 2014.

Samantala, hiniling din ng petitioner na ideklarang nuisance candidate ang anak ni Ejercito III na si Jorge Antonio Ejercito dahil hindi totoo ang intensiyon niyang tumakbo bilang gobernador ng lungsod kundi nais lamang siyang gawing ‘substitute’ ng ama sakaling madiskwalipika ang kandidatura ng matandang Ejercito.

Dagdag ng petitioner, walang kakayahan ang batang Ejercito na balikatin ang kampanya para sa kandidatura dahil umaasa pa siya sa poder ng kanyang ama at sila ay nakatira sa iisang bahay.

Sakali aniyang manalo ang batang Ejercito ay posibleng gawin lamang siyang ‘puppet’ ng ama na siyang totoong magpapatakbo ng lalawigan.

Bunsod nito, hiniling ni Afuang sa Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy (CoC) ng mag-ama at atasan ang board of elections inspectors sa lalawigan ng Laguna at Provincial Board of Canvassers na huwag bilangin ang kanilang boto.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *