Friday , November 15 2024

Zero visibility sa GenSan sa haze mula Indonesia

GENERAL SANTOS CITY – Apektado na rin ng haze ang Lungsod ng Heneral Santos bunsod nang makapal na usok na mula forest fire sa Indonesia.

Sinabi ni Indal Bansuan weather, forecaster ng Pagasa-GenSan,  ilang araw nang nararanasan ang haze na tinatawag ding smaze o kombinasyon ng smoke at haze, at halos buong Rehiyon 12 ang apektado.

Nararanasan din sa GenSan ang haze dahil sa hangin mula sa Indonesia na hinihigop ng bagyong Lando papunta sa bansa.

Dahil dito, apektado na rin ang biyahe ng mga eroplano dahil sa zero visibility.

Nagbabala ang mga eksperto sa publiko kaugnay sa posibleng epekto ng smaze sa kalusugan.

Nakatakda na ring talakayin sa city council ang naturang problema.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *