Friday , November 15 2024

Resolusyon sa kaso ni Poe aapurahin ng Comelec

BALAK ng Comelec na madaliin ang pagpapalabas ng desisyon sa mga kaso ng disqualification laban kay Senadora Grace Poe-Llamanzares, isa sa mga kandidato sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.

Naniniwala si Comelec Chairman Andres Bautista, mas mabuting pagpasyahan agad ang mga kaso laban sa senadora  para sa halalan at maging sa demokrasya.

Iginiit niya na kailangan agad lutasin ang mga disqualification case ni Mrs Poe-Llamanzares dahil maaari rin kuwestiyonin ng senadora ang Comelec decision sa Kataas-taasang Hukuman.

Matatandaan, ilang disqualification cases na ang kinakaharap ng senadora dahil sa usapin ng citizenship at residency.

Isa sa disqualification cases na kinakaharap ni Poe-Llamanzares ay may kinalaman sa kuwalipikasyon niya bilang senadora, na isinampa laban sa kanya ni presidential aspirant Rizalito David.

Ang tatlong iba pa ay may kinalaman sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo.

Unang nagsampa si Atty. Estrella Elamparo, dating legal counsel ng Government Service Insurance System (GSIS) ng petition to cancel Certificate of Candidacy (CoC) laban kay Poe, na sinundan ng kasong inihain ni Professor Antonio Contreras.

Sinampahan din siya ni dating Senador Francisco ‘Kit’ Tatad ng disqualification case.

“Ako, ang aking pakiusap nga sa ating mga kasama sa en banc, kung puwede lang bilisan namin, kasi alam rin naman namin na kung ano man ‘yung aming magiging desisyon, puwedeng iapela sa ating Korte Suprema,” pahayag ni Bautista.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *