Friday , November 15 2024

Mison tameme sa ‘Greencard’ holder issue

ISANG mahabang dead air ang tila naging sagot ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfried Mison nang tanungin nang direkta sa isang radio program kung siya’y United States greencard holder.

Ngunit imbes sagutin ng oo o hindi, isang mahabang dead air ang namagitan kay Mison at sa radio program host ng Lapid Fire sa DZRJ 810 Khz kahapon dakong 9:00 ng umaga.

Nang mapansin na kapuna-puna na ang dead air sinabi ni Mison, “I’m not in liberty to divulge.”

Aniya, may record umano ang BI at ang US Citizenship and Immigration Services (USCIS) na makapagsasabi kung siya’y isang US greencard holder.

Ang Permanent Resident Card o greencard na inisyu ng US government sa isang tao ay nagpapatunay ng permanenteng paninirahan o pagiging immigrant sa Estados Unidos.

Itinatadhana sa Section 18, Article XI ng 1987 Constitution na ang sino mang opisyal at kawani ng pamahalaan ay dapat parusahan kapag nagpalit ng citizenship o nakakuha ng immigrant status sa ibang bansa.

“Public officers and employees owe the State and this Constitution allegiance at all times, and any public officer or employee who seeks to change his citizenship or acquire the status of an immigrant of another country during his tenure shall be dealt with by law.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *