Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Staff ng media affairs sa Congress tirador din ng OT

THE WHO logoBUKOD pala sa pagiging tirador ng pagkain nitong si “Laylay Bitbit”na staff ng Media Affairs sa House Of Representatives (HOR), may ilegal na aktibidad din pala siyang pinagkakaabalahan.

Ayon sa Hunyangong alaga na gagala-gala sa HOR, raket din ni Laylay Bitbit ang pagmamaniobra umano ng kanyang suweldo para malaki ang kanyang take home.

Dugtong ng Hunyangong alaga, si Laylay Bitbit ang may pinakamalaking OT tuwing sahod sa HOR. Kumbaga siya ang record holder nito at panis lahat ang mga empleyado roon.

Kaya raw malaki ang kinokolekta ni ate ay ‘di dahil sa masipag siyang mag-extend ng kanyang serbisyo, kundi ganado siyang doktorin ang authority to overtime na hindi naman niya pinasukan!

Wow! You’re such a big lie! Lie! Lie! And lie pa more!

Iniyayabang din ni ate na hindi siya basta-basta puwede sipain sa kanyang trabaho o sa puwesto niya dahil malakas daw siya sa itaas.

Hmmmm, sino kaya sa itaas?

Hindi naman siguro si House Speaker Belmonte dahil tinagurian siyang Mr. Clean, kung kaya’t humanda kayo ng padrino mo kapag nalaman niya ito dahil malamang may paglagyan kayong dalawa.

Tawa ko lang ‘pag nangyari iyon, hehehehehe.

Kung matatandaan, nitong nakaraang linggo ibinulgar natin ang pagiging tirador ng pagkain sa Media Center ni Laylay Bitbit na harap-harapang iniuuwi ang mga packed lunch na nakalaan para sa mga reporter.

Hahahahahaha! Tibay ng dibdib ta-laga ni ate.

Rogelio, Rogelio, Rogelio, pakibitbit nga papalabas ng HOR si ate baka ma-kahawa pa ‘yan!

Hasta la vista!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …