Friday , November 15 2024

60-anyos doktor pinatay, itinapon sa septic tank (Mag-utol na houseboy tinutugis)

NATAGPUAN ng kanyang kapatid ang isang 60-anyos doktor na tadtad ng saksak at wala nang buhay sa loob septic tank sa kanyang bahay sa San Mateo, Rizal kahapon.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Ruben Piquero, chief of police, kinilala ang biktimang si Dr. Jesus Go Comedio, pediatrician, nakatira sa #23 Aquarius St., Bancom Subd., Brgy. Gulod Malaya ng nabanggit na lugar.

Habang sinampahan na ng kasong robbery at homicide ang menor de edad na sina alyas Lando at Jr., ang magkapatid na suspek na kapwa houseboy ng biktima, kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad.

Napag-alaman, dakong 9 a.m. kahapon nang matuklasan ni Pardinio Comedio, panganay na kapatid, ang tadtad nang saksak na bangkay ng doktor sa septic tank.

Nauna rito, iniulat na nawawala ang biktima noong Oktubre 15 at natuklasan lamang kahapon ang kinaroroonan ng bangkay nang halughugin ng kapatid ang buong kabahayan nang magduda nang makitang nakakalat ang mga gamit sa kwarto at nawawala ang dalawang laptop at dalawang cellphone ng doktor.

Huling nakita ang magkapatid na suspek ng ilang kapitbahay sa lugar noong Oktubre 16 kaya sila ang pinaghihinalaan ng mga awtoridad.

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *