Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Poe-Chiz naghain na ng CoC

NAGHAIN na ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sina Senadora Grace Poe bilang pangulo, at Senador Francis “Chiz” Escudero bilang pangalawang pangulo.

Sina Poe at Escudero ang magka-tandem sa 2016 Presidential election, makakatunggali ang pambato ng adminitasyon na sina Interior Secretary Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo, at oppositions na sina Vice President Jejomnar “Jojo” Binay” at Senador Gregorio Honasan.

Bukod sa mga taga-suporta, kasama ring naghain ng CoC ni Poe ang kanyang ina na si actress Susan Roces, asawa ng yumaong si Da King Fernando Poe, Jr.

Habang kasama ni Escudero ang misis niyang si Heart Evangelista.

Bukod kay Escudero na ka-tandem ni Poe, suportado rin ang senadora ni Senador Antonio Trillanes IV na tatakbo ring bise presidente sa 2016 election, na kamakalawa ay naghain ng kanyang CoC at ang Partido Magdalo.

Inamin ni Poe na ang kanyang pagtakbo ay upang ipagpatuloy ang sinimulan at pangarap ng kanyang ama para sa bayan, pagsilbihan ito at iahon ang antas na pamumuhay ng mga kababayan nating mahihirap.

Nagpapasalamat din si Poe sa patuloy at mainit na pagtanggap at suportang ipinagkakaloob sa kanya ng kanyang pamilya, mga kaubigan at tagasuporta.

Nanawagan si Poe sa Poong Mayakapal na siya sana ay gabayan sa kanyang panibagong laban at tatahakin sa buhay.  

Umaasa ang Poe-Chiz tandem na sila ay higit na makapagbibigay ng serbisyo at may direktang plano at tutunguhin para sa pagpapaunlad sa ating inang bayan.

Tiniyak ng tambalang Poe-Chiz na makaraan ang kanilang paghahain ng CoC ay agad silang iikot sa bansa sa pamamagitan ng pagdalo sa ilang mga forum at imbitasyon sa kanila upang ipabatid ang kanilang programa at plano para sa bansa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …