Trillanes naghain na ng Coc bilang VP (Suportado ng Magdalo)
Niño Aclan
October 15, 2015
News
PORMAL nang inihain ni Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang certificate of candidacy (CoC) bilang bise president sa 2016 elections.
Bukod sa mga tagasuporta at mga kabigan, kasama rin ni Trillanes sa paghahain ng COC ang kanyang may-bahay na si Arlene Trillanes at ang Partido Magdalo n pangunahing nag-endorso at nagsulong ng kanyang kandidatura.
Ayon kay Trillanes nais niyang tumakbo sa mas mataas na puwesto upang higit na mapagsilbihan nang direkta ang mga kababayang nating Filipino.
Idinagdag ni Trillanes na mahalaga rin maisulong sa buong bansa ang kapayapaan at katahimikan na isa sa mga pangunahing suliranin sa mga nakalipas na panahon.
Si Trillanes ay kilalang aktibong tumutuligsa at lumalaban sa isyu ng korupsiyon at ibinubunyag ang ano mang katiwalian sa pamahalan kahit ano pa ang posisyon ng nasasangkot.
Nakita ang ganitong niyang katangian noon pa mang adminitrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“My program of government is to envisions a country of peace, progress and prosperity under a regime of social justice with a united, responsible and empowered citizenry, anchored on the following primary advocacies: Peace and Order; Anti-Corruption and Governance Reforms; Poverty Alleviation; Education; Economic Development; Environment; Health; Justice; Foreign Policy; Science and Technology; Sports; and Urban Development,” ani Trillanes.
Magugunitang pormal na ideneklara ni Trillanes ang kanyang kandidatura sa makaraang Magdalo Convention at mismong si party-list Rep. Gary Alejano ang nagpakita ng kauna-unahang suporta para sa kanyang pagtakbo.
Ayon kay Alejano, ang paninilbihan ni Trilanes sa loob ng walong taon bilang senador ay nagpakita ng kanyang pagiging isang lider, mambabatas at marami nang napatunayan para sa pagsisilbi sa bayan.
May kakayahan siyang paunlarin hindi lamang ang ekonomiya kundi ang pamumuhay ng mahihirap nating kababayan.
“This is an opportunity to once again present the Magdalo reform agenda to the people and raise our brand of service to the next level. There will be no let up in our fight against corruption,” dagdag ni Trillanes.
Ang paghahain ng CoC ni Trillanes ay sinimulan sa pamamagitan ng isang motorcade mula sa lungsod ng Pasay patungong Comelec.