Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsasaka todas sa BFF

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka makaraang makipagsaksakan sa katagay na kaibigan sa Brgy. Ara, Benito Soliven, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Diosdado Castillo, 30, may asawa, habang ang suspek ay si Sebastian Vidad, 29, kapwa magsasaka at residente ng Brgy. Ara.

SSa imbestigasyon ng Benito Soliven Police Station, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi pa mabatid na dahilan na nauwi sa pananakit ni Castillo kay Vidad habang nag-iinoman.

Umuwi si Vidad sa kanilang bahay upang kumuha ng panabas at kinompronta si Castillo sa ginawang pananakit sa kanya.

Unang iwinasiwas ni Castillo ang nakuhang panabas ngunit nakailag si Vidad at siya naman ang tinaga.

Dinala sa ospital si Castillo ngunit idineklarang dead on arrival habang si Vidad ay inaresto at sasampahan ng kasong pagpatay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …