Saturday , November 16 2024

Pacman tatakbong senador sa PDP-Laban

IBINUNYAG ni Manny Pacquiao kahapon na tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban bilang senador makaraang muling linawin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente.

Ginawa ni Pacman ang pahayag habang siya ay nasa New York para tanggapin ang 2015 Asia Game Changer of the Year award.

Ayon kay Manny, ang PDP-Laban ay walang kandidatong presidente kaya ihahayag din niya kung sinong presidentiable ang kanyang susuportahan.

Ang tumatayong lider at presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ay si Sen. Koko Pimentel.

“I can file my candidacy under PDP-Laban,” ani Pacquiao.

Babalik ng Filipinas si Pacman ngayong araw o sa Huwebes para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec.

Sasamahan siya nang full force ng mga lokal na opisyal ng Sarangani kasama ang kanyang misis na si Vice Governor Jinky Pacquiao na suportado ang kanyang desisyon na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Samantala, hindi ikinagulat ni Pacman nang mabalitaan na hindi kasama ang kanyang pangalan sa senatorial ticket ng Liberal Party.

Nangingiting nagpahiwatid ang ring icon na baka may mga pagbabago pa.

Samantala, hindi sumagot ang mambabatas nang tanungin siya kung susuportahan niya si Vice President Jejomar Binay.

Kung maaalala, ang koalisyong UNA ay masugid ding nanliligaw kay Pacquiao na umanib siya sa kanilang senatorial line up.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *