Sunday , December 22 2024

Lucifer, 7 pa tatakbong presidente

1014 FRONTWALONG aspirante, kabilang si “Archangel Lucifer,” na sinasabing mga pampagulo, ang naghain ng kandidatura bilang pangulo ng bansa sa 2016 elections.

Ang walo ay kinabibilangan nina Marita Arilla, Cornelio Sadsad Jr., Alfredo Tindugan, Bertrand Winstanley, Romeo John Ygonia, Virgilio Yeban, Benjamin Rivera at Juanito Luna.

Sa ikalawang araw ng paghahain ng COC kahapon, kauna-unahang naghain ng CoC ang isang nagpakilalang dating magsasaka at isang security guard na kapwa taga Quezon City.

Tatakbo sa pagka-pangulo si Tindungan, dating magsasaka, 75, ng Holy Spirit, Quezon City; at ang kanyang  running mate ay si Angelito Baluga, 54, ipinanganak sa  Cagayan Valley ngunit naninirahan ngayon sa Quezon City, divine government ang nais nilang manaig sa bansa.

Ang volunteer missionary na si Ygonia ay sumali rin sa listahan ng mga kandidato bilang presidente. Ipinagmalaki niya na siya ang ‘chosen one’ at pinili raw siya ni HesusKristo para maging pangulo ng Filipinas. Ang mundo aniya ay hindi maililigtas kung wala ang Panginoon.

Ngunit sa kabila ng kanyang pahayag ay tinatawag din niya ang kanyang sarili na si “Archangel Lucifer.”

Habang absolute monarchy ang campaign slogan ng nagpakilalang si Marita Arilla. Makaraang maghain ng CoC bilang kandidato sa pagkapresidente, sabi ni Arilla, pangako niya kapag nahalal na pangulo ay aalisin niya ang lehislasyon dahil ang mandato lamang daw na dapat ipatupad sa bansa ay ang mula sa Panginoon.

Ang mga nakapaghain na ng CoC sa Senatorial election mula kamakalawa hanggang kahapon makapananghali ay sina Dating Senador Panfilo Lacson, Angel Redoble, Ricky Bacolod, Daniel Magtira, Victoriano Inte, Elmar Santarin, Rafael Labindao, Jose Kwe, Armando Cortes, Neri Colmenares, Ramon Osano, John Odonnel Petalcorin, Eduardo dela Pena, Melchor Chavez, Roberto Antonio Marin, Alexander Bautista, Martin Romualdez, Godofredo Arguiza, Victor Quijano at Rolando Merano

Ang mga sumusunod na party-list group ay nakapaghain na rin ng COC: ABS; ACT-CIS; ANAKPAWIS; Mindanao Alliance for Reform (MAR); COOP NATCO; Global Worker and Family Federation Inc.; 1 CARE; CANCER; WITNESS; ABYAW; Manila Teachers Saving and Loan Ass. Inc.; Abante Bicol Dragon Phil. Inc.; Angkla; Women and Child Crime Abuse Assistance; Aasenso sa Barangay; Adhikain Tinataguyod ng Kooperatiba (Ating Koop); A TEACHER at ang Partido Manggagawa.

Samantala, naghain na rin ng kandidatura bilang Bise Presidente  si Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Hanggang 5 p.m. bukas ang Comelec upang tumanggap ng mga ihahaing CoC ng mga kandidato.

Pagtanggap ng ‘nuisance candidates’ idinepensa ng Comelec

IDINEPENSA ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggap sa certificate of candiacy (CoC) nang mga tinaguriang ‘nuisance candidates.’

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang pagtanggap nila sa CoC ng mga ‘panggulo’ lamang na kandidato ay dahil sa ministerial ito at obligasyon sa parte ng komisyon.

Aniya, walang poder ang Comelec na tanggihan ang ano mang CoC na inihahain sa komisyon.

Maging ang batas aniya ay literal na sinasabing kahit sino ay puwedeng maghain nang kandidatura sa pamamagitan ng CoC kahit hindi qualified.

Makaraan aniyang matanggap ang mga CoC ay saka pa lamang ito sasalain at pag-aaralan.

Ang pahayag ni Jimenez ay sa gitna nang pag-ani ng katatawanan at kantiyaw ng ilang nuisance candidates.

Ayon sa Comelec, daraan sa proseso ang paglinis sa mga pangalan sa listahan at minsan ay nagkakaroon pa ng hearing kung magtutuloy sa pagtakbo ang isang personalidad.

Pagkatapos nito ay saka pa lamang matatawag ito na isang opsiyal na kandidato.

Paliwanag pa nang tagapagsalita ng komisyon, sa huli ay magdedesisyon din ang Comelec at hindi na makikita sa final list ang hindi seryosong mga kandidato.

Sa ngayon, kung napakarami nang naghahain ng CoC sa pagka-presidente, manipestasyon ito nang malayang demokrasya sa bansa na kahit hindi kwalipikado ay maaaring mag-ambisyon sa posisyon.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *