Saturday , November 16 2024

Dinukot na sanggol natagpuang patay sa kanal

NAGCARLAN, Laguna – Patay na nang matagpuan kamakalawa ang isang taon gulang na sanggol makaraang dukutin ng hindi nakilalang suspek nitong Linggo habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Malaya, Nagcarlan, Laguna.

Sa report na ipinadala ni Chief Inspector  Leopoldo Ferrer, hepe ng Nagcarlan Police, kay Acting Laguna PNP provincial director, Senior Supt. Florendo Saligao, kinilala ang biktimang si Lance Macahiya, anak ng mag-asawang sina Leo at Walen Macahiya, residente ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Maggie Tabang, iniulat na nawawala ang biktima dakong 7 p.m. nitong Linggo makaraang iwanang natutulog kasama ng nakatatandang kapatid na lalaki sa loob ng kanilang bahay.

Sinasabing umalis ang ama upang magtungo sa bahay ng biyenan habang wala pa ang ina dahil nasa trabaho pa. 

Ngunit makalipas ang mahigit isang oras nang bumalik si Leo ay hindi na nadatnan sa higaan ang bunsong si Lance.

Agad nagsadya ang ama sa himpilan ng pulisya at ipinagbigay-alam ang pagkawala ng sanggol.

Hinanap nila ang sanggol ngunit laking panlulumo ng mga magulang nang dakong 7:05 a.m. kamakalawa ay matagpuan ang biktimang wala nang buhay sa isang kanal. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Boy Palatino

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *