Sunday , July 27 2025

4-anyos paslit sinakmal ng asong ulol

DAGUPAN CITY – Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa samples ng asong ulol na sumakmal sa 4-anyos lalaking paslit sa lungsod ng Dagupan kamakalawa.

Nagpapagaling pa ang biktima mula sa sugat sa kanyang likod, balikat at braso na sinakmal ng hinihinalang asong ulol.

Kuwento ng biktima, naglalakad siya sa gilid ng kalsada nang bigla na lamang lapitan ng aso.

Bunsod ng takot ay agad tumakbo ang paslit ngunit hinabol ng aso at sinakmal.

Agad nadala sa ospital ang paslit na tinurukan ng anti-rabies bagama’t patuloy na inoobserbahan ang kalagayan.

Samantala, minabuti ng ilang residente na patayin ang nakakagat na aso upang wala nang ibang mabiktima habang dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang samples ng aso upang masuri.

Ayon sa ilang residente, noong nakaraang linggo pa napansin ang pagbabago sa kilos ng aso na kinain ang ilang bagong silang na tuta at laging umaalulong na senyales ng isang hinihinalang ulol na aso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *