Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Staff ng media affairs sa kongreso tirador ng tsibog

THE WHO logoTHE who ang isang babaeng staff ng Media Affairs sa House Of Representatives (HOR)na tirador daw ng tsibog sa Media Center?

Itago na lang natin sa pangalang “Laylay Bitbit” si ate dahil ‘yan ngayon ang kanyang raket — ang magbitbit ng sangkatutak na pagkain na dapat sana ay sa mga mamamahayag na nagko-cover sa Congress.

Anak ng pitong kuba!

Bulong ng aking Hunyango, inilipat na sa Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS) ang pangangalaga sa Media Center na working area ng mga mamamahayag sa HOR.

Dati raw kasi nakatoka ang pag-aasikaso sa Media Center sa MRS-PRIB na maganda naman ang naging palakad sa mga reporter na naroroon.

At simula nga nang mapalitan ang management, dito na nagsimula ang istorya ni “Laylay Bitbit” na tila halimaw na hayok na hayok sa karne dahil sa bagong ipinapatupad na sistema ng MAPRS.

Hak hak hak hak hak!

Dagdag ng ating Hunyango, idinidiretso noon ang mga packed lunch sa Media Center para walang hassle pero ngayon, doon na sa opisina ng MAPRS dinadala na nasa 2nd floor.

Dahil dito marami na ang hindi kumukuha ng pack lunch kasama ang mga TV at radio crew dahil bukod sa aakyat ka pa sa ikalawang palapag kailangan pa raw pumirma.

Kung kaya’t masayang-masaya ngayon si “Laylay Bitbit” dahil ang dami niyang naiuuwing packed lunch kapag uwian na.

Ang biruan nga sa Media Center, minsan nang umuwi si ate umangat daw ang harapan ng taxi cab na sinakyan nito dahil sa bigat ng pack lunch na dala niya!

Hahahahahaha gravity! ‘Este grabe ‘te!

Hindi tuloy lubos maisip ng iba kung marami bang anak na pinalalamon si ate o maraming ampon? O ‘di kaya may karinderia o talagang Rated PG lang? Ang PG as in rated Patay Gutom.

Aba malay ko? Tanungin n’yo siya!

Who-laan n’yo kung sino si Laylay Bitbit!

Esep-esep nang malalim!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …