Sunday , April 28 2024

Sekyu nanaksak katagay patay (Binuskang ‘under’ ni misis)

PATAY ang isang 23-anyos lalaki makaraang saksakin sa leeg ng kanyang kainomang security guard na tinukso niyang ‘under’ ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Binawian ng habang dinadala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Reymalon Azuelo, 23, ng 225 Gate 10, Area B, Parola Compound, Tondo.

Habang tinutugis ng mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct ang suspek na si Patrick de la Paz, 25, security guard, ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 2:30 a.m. sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman, habang nakikipag-inoman ang suspek nang dumating ang kanyang misis at siya ay sinusundo na.

Bunsod nito, kinantiyawan ng biktima ang suspek na ‘under’ ng kanyang misis.

Nairita ang suspek, bumunot ng patalim sa kanyang bewang at sinaksak sa leeg ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

About Leonard Basilio

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *