Sunday , December 22 2024

Lim maghahain ng CoC ngayon

MAGHAHAIN ngayong araw (Oktubre 13) ng certificate of candidacy (COC) si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim para sa muling pagtakbo sa mayoral race, bilang official candidate sa ilalim ng Liberal Party.

Si Lim ay muling nagpasya tumakbo dahil marami sa Manilenyo ang komombinse sa kanya na muling ibalik ang nawalang mga libreng serbisyo tulad ng anim na ospital na dating walang bayad at libre ang mga gamot; at sobrang taas na buwis tulad ng real estate tumaas ng 300 porsyento na sinisingil ng lokal na pamahalaan at iba pa.

Magugunitang sa panahong nakaupo bilang alkalde si Lim, ang kanyang ipinangakong ‘womb to tomb’ o libre ang lahat ng serbisyo sa mga mahihirap sa health care, panganganak, pag-aaral hanggang sa libing at burol ay naibibigay nang walang bayad.

Libre rin ang konsultasyon sa mga doctor ng Ospital ng Maynila, Ospital ng Sta. Ana, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Ospital ng Sampaloc.

Walang binabayarang gamot at iba pang medical services, at laboratories at hospital confinement.

Si Lim ang idineklarang official candidate ni LP President Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, Jr. sa pagsasabing, “I signed his nomination and we believe in the capability of Mayor Lim to continue the straight path of President Benigno S. Aquino III.” 

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *