Saturday , November 16 2024

Poe papayagang maghain ng COC (Ayon sa Comelec)

TATANGGAPIN pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang ihahaing certificate of candidacy (COC) ni Sen. Grace Poe para sa pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016.

Ito’y sa kabila nang tumatakbong kaso ng senadora sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay ng kanyang citizenship.

Sinabi ni Comelec chairman Andres Bautista, puwedeng maghain ng kandidatura si Poe simula ngayong araw, Oktubre 12.

“Wala naman pong balakid para mag-file siya. Kumbaga, wala pa namang pasya ‘yung Senate Electoral Tribunal,” paglilinaw ni Bautista.

Gayonman, may kinakailangang gawing aksyon sakaling may maghain ng disqualification case laban kay Poe sa Comelec.

Ibig sabihin nito, posibleng magsabay ang disqualification case ng senadora sa Comelec at sa SET.

“Iba ‘yung sa SET eh, ‘yun ay kinukuwestyon ang kanyang qualification bilang senador. Kung maghahain siya ng COC, if ever, ang kukuwestyunin naman ay ‘yung qualifications niya as president,” ani Bautista.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *