Friday , November 15 2024

Income tax cut batas na sana – Chiz (Kung gobyernong may puso ang nakaupo)

1012 FRONTBinatikos ni vice presidential frontrunner Chiz Escudero ngayong Linggo ang “kondisyonal at nakataling paninindigan” ng administrasyon sa reporma sa pagbubuwis na hanggang ngayon ay nakapako pa rin sa antas noong 1997 kasabay ng tahasang pagsabing kung ang kasalukuyang pamunuan ay nabigong isabatas ang panukalang magpapababa ng income tax, ito ang unang ipapasang batas sa pamunuan ni Sen. Grace poe.

“Mariin ang talumpati ni Sen. Grace noong magdeklara –  na walang sektor o rehiyon ang maiiwan, at tungkulin ng gobyerno ang paghahanap ng paraan upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan. Paulit-ulit din ang paggiit niya na ang pagpapababa ng buwis ay isa sa kanyang mga uunahin dahil ito ang diwa ng aming panawagang Walang Maiiwan,” paliwanag ni Escudero

Binigyang-diin ni Poe noong Setyembre na para sa maraming Pilipino, “hindi sapat ang pagsisikap,” at ang layunin sa paglilingkod ay pababain ang pagbubuwis sa bansa dahil “tayo ang may pinakamataas na antas ng buwis sa mundo.”

“Sa kanyang pag-ahon, hindi sapat ang kanyang sariling kayod, kailangang may kamay na humihila sa kanya. Di ba’t ‘yan naman ang sukatan ng magandang pamahalaan at lipunan – Lahat ay aangat, walang maiiwan!”

Ito, ayon kay Poe, ang dahilan kung bakit itutulak nito ang “tunay na reporma tungo sa inclusive growth, global competitiveness at isang gobyernong transparent.”

Tunay na suportang walang kondisyon ang kailangan ng income tax cut.

Ayon kay Escudero, bagamat ikinatutuwa nito na “ang administrasyon o ang LP o kung sinuman ang kinakatawan ni Sec. Lacierda, ay kinilala ang pangangailangan sa reporma sa pagbubuwis,” iginiit naman nito wala sa posisyon ang gobyerno “na maglagak ng mga kondisyon bago nito suportahan ang mga hakbang sa pagpapababa sa income tax.”

Sinabi ni Lacierda ngayong linggo na bagamat “walang pagtatalo” hinggil sa pangangailangan sa tax reform, ang itinutulak umano ng gobyerno ay “komprehensibong reporma sa pagbubuwis.” Mariing tinutulan ni LP presidential bet Mar Roxas ang mga panukalang magpapababa sa income tax kasabay ng pagsasabing kailangang magsakripisyo ng maraming  proyekto  upang isakatuparan ito. Sinabi din ng dating interior secretary na ang isyu ay hindi dapat gawing usapin sa kampanya upang maiwasang mapolitika. “Ang pagpapababa ng income tax ay makatuwiran at dapat na isakatuparan ngayon, hindi sa hinaharap. May pagkakataon ngayon para itama ang mali, para tulungan ang mga nangangailangan––bakit pa nila ipagkakait sa tao? Kaya paulit-ulit namin sinasabi na kailangan talaga natin ng Gobyernong may Puso.”

Dagdag ni Escudero, “sabihin man nilang lahat sa LP ng paulit-ulit na pabor sila sa tax reform, ang mga saloobing ito ay hungkag dahil pinapabulaanan ito ng mga kaalyado ng administrasyon na walang sapat na oras para ipasa ang nasabing panukala. Ang mga pahayag ng pagsuporta nilang ito ay lip service lamang; hindi makakatulong ito sa pagdurusa ng ating mga kababayang patuloy na pinapahirapan ng sobrang pagbubuwis.”

Iniangkla ng tambalang Poe-Escudero ang kanilang “20-point platform” sa panawagang “Gobyernong may Puso” at “Walang Maiiwan” na kumakatawan sa pangangailangan sa inclusive growth at mapagmalasakit na pamahalaan na si-yang titiyak na ang bawat pasanin ng lahat ng sektor, lalung-lalo na ang mahihirap, ay lalapatan ng kaukulang lunas at paglingap.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *