Saturday , November 16 2024

Ikukulong nila ako bago ang halalan – Binay

IBINUNYAG ni Vice President Jejomar Binay, nakatanggap siya ng text messages mula sa hindi kilalang sender na siya raw ay ipapaaresto bago ang halalan sa taon 2016.

Ginawa ni Binay ang pahayag ilang araw makaraang ilabas ng Office of the Ombudsman ang kapasyahan na tuluyang pagtanggal sa kanyang anak na si Junjun Binay bilang alkalde ng lungsod ng Makati.

Bagama’t ayon kay Binay handa siya kung ano man ang mangyari.

Naniniwala ang bise presidente na kung totoo ang text messages na kanyang natanggap ay isasampa na ang kanyang kaso sa Sandiganbayan at maglabas ng warrant of arrest bago siya mahain ng certificate of candidacy para sumabak sa presidential elections sa 2016.

Kung hindi aniya siya ipapaaresto nitong buwan ng Oktubre ay maaaring gawin ito sa Enero o Marso.

Bagama’t ayon kay Binay, ano mang kaso na isasampa laban sa kaya ay idudulog niya sa Korte Suprema sa paniniwalang bilang bise presidente ay “immune” siya sa kaso.

Naniniwala ang bise presidente na bahagi lamang ng “demolition by perception” ang panggigipit sa kanya kaugnay ng kanyang balak na pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na taon. 

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *