TUMANGGI munang magbigay ng ano mang komento ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa kinompirma ng Beijing na tapos na at kanila nang binuksan ang dalawang light house sa may Cuarteron Reef at Johnson South Reef sa Spratly Islands.
Ayon kay DFA spokesperson Assistant Foreign Seccretary Charles Jose, nasa proseso pa sila sa pagkokumpirma hinggil sa nasabing report.
Sinabi ni Jose, saka na lamang magbibigay ng official statement ang DFA kapag kanila na itong nakompirma.
Ang West Philippine Sea ay bahagi ng 370-kilometer exclusive economic zone ng Filipinas na kinikilala sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
Mismo ang China ang nagbunyag na ‘operational’ na ang kanilang dalawang light house sa may bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Kapwa, nagpahayag ng pangamba ang Filipinas at United States hinggil sa walang tigil na reclamation activities ng China.