Saturday , November 16 2024

10 namatay sa Leyte Penal Colony kinilala na

TACLOBAN CITY- Kinilala na ng Bureau of Fire Protection-Abuyog Leyte ang 10 bilanggo na namatay sa sunog sa Leyte Penal Colony noong Oktubre 8, 2015.

Ayon kay SFO3 Eric Barcelo, Ground Commander ng nasabing insidente, ang nasabing narekober na mga bilanggo ay ‘beyond recognition’ o sunog na sunog na kaya hindi na makikilala pa ng kani-kanilang pamilya.

Sila ay sina Gerry Sorilla y Bagro, 47; Roel Oclaret y Palban, 59; Tito Ejada y Lacre, 59; Salvador Erlandia y Balindo, 59;  Randy Silvestre y Fernando, 43; Orlando Sorlasa y Sudario, 43; Delfin Samaco y Abrela, 61; Eugenio Monforte y Robante, 29; Rolando Agda y San Francisco, 31;  at Susano Patio y Garcia, 51.

Base rin sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, aabot sa P2 milyon ang kabuuang danyos sa nasabing sunog.

Nilinaw rin ni Barcelo na hindi sa banyo ng Building 1 ng maximum security compound kundi sa Emergency Shelter ng mga bilanggo nagsimula ang sunog.

Sa ngayon, hinihintay nila na dumating ang mga kinatawan ng BFP National Headquarters para pumasok na rin sa imbestigasyon.

NBP Chief personal na sisiyasat sa nasunog na penal colony

SISIYASATIN ng hepe ng National Bilibid Prison (NBP) ang Leyte Regional Prison, ilang araw makaraan ang malagim na sunog na ikinamatay ng 10 katao.

Ayon kay Supt. Geraldo Aro, ang officer-in-charge ng kulungan, personal na tutungo si NBP Superintendent Richard Schwarzkopf upang magsagawa ng inspeksiyon.

Kabilang sa aalamin ni Schwarzkopf ang kalagayan ng 1,000 bilanggo na naapektuhan ng sunog.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *