Friday , November 15 2024

P58-M Vietnam rice nasabat sa CdeO

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahaharap sa kaukulang kaso ang may-ari ng P58 milyong halaga ng imported rice na nasabat ng Bureau of Customs (BoC)-District 10 habang karga ng barko na dumaong sa Oro Port ng Brgy. Macabalan sa Lungsod ng Cagayan de Oro kamakalawa.

Ito ay kung mabigo ang SODA Enterprises na nakabase sa Iligan City na makapagpakita ng kaukulang mga dokumento sa gagawing ocular inspection ng Customs at Oro Port police officials sa mga kargamento.

Sinabi ni Customs Intelligence Service Chief Arvin Incenso, apat na alert order ang kanilang natanggap mula sa kanilang tanggapang sentral laban sa barkong mula Vietnam dahil sa hinihinalang ilegal na kargamento.

Ayon kay Incenso, ang pag-hold nila sa Vietnam rice ay upang matiyak na hindi makalulusot at mananagot ang tumatayong may-ari na isang Fe Frogalidad, kung wala talagang sapat na papeles.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *