Sunday , December 22 2024

‘Midnight List’ para sa 200 IOs kinamada ni Mison (Inihabol bago mag-resign si De Lima)

Immigration HiringMATAGAL nang nakakamada ang ‘midnight list’ ng mga bagong 200 Immigration Officers kahit patuloy na nag-i-interview umano ng aplikante ang Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila, ito ang nabatid kahapon.

Sa panayam kahapon sa mga susing empleyado ng BI, nabatid na matagal nang inayos ni Immigration Commissioner Siegfred Mison ang nasabing IOs ‘midnight list’ para agad maipapirma kay Secretary Leila De Lima bago pa magbitiw bilang justice secretary.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga empleyado at aplikanteng Immigration Officers (IO) sa pamahaalan lalo sa Palasyo na huwag nilang hayaang mapirmahan agad ni De Lima ang nasabing dokumento dahil iyon ay ‘midnight list.’

Anila, ang tinaguriang ‘midnight list’ ay mula sa mga opisyal o empleyado ng Bureau na umano’y palaging ‘gumagawa’ ng pabor kay Mison.

Dalawang buwan na umano ang nakararaan, inumpisahan at nagpatuloy ang interview hanggang sa kasalukuyan para sa mga aplikante pero nakapagtatakang wala umanong napipili sa kanila ang mga opisyal.

Gayon man, napansin ng mga empleyado na mayroon nang ‘midnight list’ si Mison na papipirmahan umano kay De Lima.

Bukod diyan, nag-resign umano ang hepe ng Personnel Selection Board na si Ronaldo P. Ledesma kaya awtomatikong naipasa ang nasabing gawain kay Commissioner Mison.

Dahil dito, naniniwala ang mga empleyado, na mabilis na mamaniobrahin ni Mison ang tinawag nilang ‘modnight list.’

 Tinangkang kunin ng HATAW ang panig ni Mison ngunit siya ay out of town umano.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *