Friday , November 15 2024

PH MERS-COV free pa rin — Sec. Garin

TINIYAK ni Health Secretary Janet Garin, MERS-CoV Free pa rin ang Filipinas makaraang magnegatibo ang 11 pasaherong nakasalumuha o nagkaroon ng close contact sa isang Saudia national na namatay sa naturang sakit.

Ang pagtitiyak ni Garin ay kanyang ginawa sa kanyang pagharap sa budget deliberation ng Senado upang idepensa ang inihinging budget ng kanyang ahensiya para sa susunod na taon.

Ibinunyag ni Garin, natunton na nila ang lahat ng 101 pasahero at sumailalim sa pagsusuri ngunit pawang nagnegatibo sila.

Gayon man sinabi ni Garin, mayroon pang hanggang 14 araw na quarantine period para sa naturang mga pasahero para tuluyang okey na ang lahat.

Inamin ni Garin, bagama’t mayroong 15 pasaherong nakitaan ng sintomas, lima lamang sa kanila ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health (DoH).

Tinukoy ni Garin, mismong sila ang namili ng ospital na pagdadalhan ng mga pasyente para sa close monitoring habang ang iba pang mga pasahero ay pinayuhang mag-home quarantine na lamang.

Nanawagan si Garin sa umuuwing mga Filipino at maging sa mga turistang galing sa Saudi Arabia, na agad maki-pag-ugnayan sa health officials para sa agarang pagsusuri at pagtiyak sa kanilang kaligtasan.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *