Friday , November 15 2024

Holdaper patay sa shootout sa Bulacan (Huling biktima tinodas)

PATAY ang isang lalaking hinihinalang miyembro ng grupo ng mga holdaper at motornapper na kumikilos sa Bulacan, makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Jose del Monte City, sa nabanggit na lalawigan kamakalawa.

Sa report ni Police Regional Office 3 regional director, C/Supt. Rudy Lacadin, naka-enkwentro ng mga tauhan ng Bulacan PNP ang isang grupo ng mga holdaper at motornapper sa bahagi ng Melody Plains Subd., CSJDM, Bulacan. Sinabi ni Lacadin, bago pa man ang labanan, hinoldap at pinatay ng notoryosong grupo ang collector at messenger ng isang pawnshop na kinilalang si Lyndon Umisal, residente ng Valenzuela City.

Kuwento ni Lacadin, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang habulin ng tatlong armadong suspek at tinutukan ng baril sa pwersahang kinuha ang kanyang bag na may pera, at ang motorsiklo.

Hindi pa nakontento ang mga suspek, binaril ang biktima hanggang  malagutan ng hininga.

Nang mabatid ng Bulacan PNP ang insidente, agad naglunsad ng hot pursuit operations ang mga pulis hanggang masabat nila ang isa sa sa suspek sa Graceville 1 Subd., Brgy. Muzon.

Nanlaban ang mga suspek at dahil hindi nakayanan ang pwersa ng PNP ay napatay ang isa sa mga suspek na si Peter Plarisan, residente ng Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *