Friday , November 15 2024

Comelec 12-hour operation simula sa Oktubre 17

MAGIGING 12 oras na ang operasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa huling kalahating buwan ng voters registration.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, magsisimula ang extended operation ng poll body sa Oktubre 17 at magtatapos sa Oktubre 31, 2015.

Layunin aniya nitong mabigyan ng pagkakataon ang nasa 2,000,000 botante na hindi pa nakapag-a-update ng kanilang biometric data.

Kaya magsisimula ang opisina ng Comelec dakong 8 a.m. hanggang 7 p.m.

Comelec kasado na sa paghahain ng COC

HANDA na ang Comelec para sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga nagnananais tumakbo sa eleksiyon 2016.

Ang paghahain ng COC ay gaganapin sa susunod na linggo, Oktubre 12 hanggang 16.

Sa punong tanggapan ng Comelec, puspusan ang ginagawang pag-aayos para matiyak na magiging organisado ang paghahain ng COC.

Sa Comelec main office sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila maghahain ng kandidatura ang mga tatakbo sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, senador at party-list group.

Isang maliit na entablado ang itinatayo sa dulong bahagi ng unang palapag ng tanggapan ng Comelec para pagpwestohan ng mga kandidato na magpapaunlak ng panayam sa media, pagkahain ng COC.

Nilinaw ni Bautista, papayagan lamang ang kandidato na magsama nang hanggang tatlong kaibigan o kaanak sa paghahain ng COC.

Ang mga tagasuporta ng mga kandidato ay mananatili lamang sa labas ng Comelec, ngunit may wide screen na ikakabit sa labas para masaksihan din ng mga tagasuporta ang paghahain ng kandidatura ng mga politiko.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *