Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pastor itinumba habang nagmimisa (Sa Surigao del Norte)

BUTUAN CITY – Masusing iniimbestigahan  ng pulisya sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte ang pagpatay sa preacher ng Lord Jesus Christ fellowship habang nagmimisa sa loob ng simbahan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Jubgan sa nasabing bayan.

Hindi na nadepensahan pa ng biktimang si Allan Ursabia, 45-anyos, may asawa at residente ng Bagong Silang, Brgy. Washington, Surigao City, ang kanyang sarili nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang suspek at siya ay binaril sa harap mismo ng kanyang mga parishioner.

Ayon kay Senior Insp. Marcelino Gavina Jr., hepe ng pulisya sa nasabing bayan, patuloy pa nilang inaalam ang motibo ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa mga kaanak ng biktima, wala silang natatandaang mayroong nakaalitan o kaya’y naagrabyadong tao ang pastor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …