Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Opisyal ng EPD feelingero sa babae?

THE WHO logoTHE Who ang isang opisyal ng Eastern Police District (EPD) na kasing tulis daw ng sibat pagdating sa babae?

Itago na lang natin sa pangalang “Just Hoping”si sir, or in short JH kasi naman masyadong hopeful na papatulan siya ng lahat ng bebot na tipo niya.

Hehehehehehe, feelingero ha?

Ayon sa wafu kong Hunyango, nagkaroon ng malakihang buy-bust operation kamakailan sa naturang distrito at siyempre nagdatingan ang iba’t ibang opisyal doon para sa photo opportunity este para sa suporta pala.

At isa nga sa mga dumating na opisyal sa lugar ay si feelingero na imbes unahin ang evaluation sa nangyaring operation, pambababae ang inatupag ng kumag!

Pagkukuwento ni Hunyango, nagresponde rin sa naturang lugar ang isang  lady radio reporter na diyosa ng kagandahan talaga at dito napukaw ang puso ni sir.

Kasi naman pagdating ni lady reporter aba’y natulala si opisyal at sinundan talaga ng tingin kung saan papunta si pretty girl.

Har har har har har har!

Natural pagdating doon ni pretty girl nag-interview ng mga opisyal at nakipag-usap din sa ilang mamamahayag na naroroon para makakalap ng detalye.

Habang nakikipagkuwentohan sa mga katoto namin si lady reporter, lumapit ang isang junior officer at tinanong kung ano ang number niya dahil inutusan daw siya ng kanyang feelingerong Boss.

Hanep dumiskarte! Poging-pogi… grawl!

Siyempre ibinigay naman ni lady reporter ang  kanyang number dahil kontak din ‘yun na puwedeng gamiting source kapag may relasyon sa kanyang coverage ang posisyon ni sir.

Maya-maya habang papauwi na ang bebot na reporter, nag-text daw si opisyal at sinabing i-save ang number niya sabay bida kung ano ang kanyang katungkulan sa EPD.

Ngak ngak ngak ngak! Bagyo ang dating!

Dahil diyan, may media practitioner na napataas ang kilay dahil sa ginawa niyang harap-harapang pag-diskarte kay lady reporter na kasama pa raw yata ang BF noong oras na iyon.

Pero todo-tanggi si sir na may iba siyang motibo sa pagkuha ng number at pag-text kay lady reporter trabaho lang daw ‘yun.

Tanong lang sir tsip, ginagawa mo rin ba ‘yan sa mga lalaking reporter na kinukuha mo ang number agad kahit ‘di mo pa kilala sabay text din pag-uwi?.

Aminiiiiiiiiiiiiiiiin!      

WHO-laan n’yo kung sino si matulis at feelingerong opisyal.

Kaboom!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …