SUNOD-SUNOD ang proyektong ginagawa ngayon ni Hiro Peralta dahil after gamitin ang boses nito sa sikat na sikat na anime na Voltes V bilang si Big Bert, makakasama naman siya sa pelikulang Tomadachi with Japanese actor/producer Jacky Woo.
Masaya si Hiro dahil pagkatapos ang kanilang teleserye ay sunod-sunod ang dating ng blessings sa kanya at hindi siya nababakante.
“Thankful talaga ako and I feel blessed kasi sunod-sunod ang dating ng magagandang proyekto ,
“Kaya naman kahit natapos na ‘yung soap namin eh mayroon pa rin akong ginagawa at hindi nababakante.”
Naghihintay na nga lang daw si Hiro ng kanyang susunod na teleserye sa GMA 7. Wish nga nito na sana bago matapos ang taon ay mabigyan siya ng bagong proyekto para happy ang kanyang Christmas at New Year!
MATABIL – John Fontanilla