Friday , November 15 2024

Gilas team sasalubungin (Gaya ng isang bayani)

DUMATING na ang Team Gilas Pilipinas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon kasunod nang kanilang runner up finish sa prestihiyosong 2015 FIBA Asia Championships na ginanap sa Changsha, China.

Mainit na sinalubong ng Filipino fans ang mga player at coaching staff ng national basketball team ng bansa.

Isa-isa silang binigyan ng garland bilang pagbibigay-pugay sa kanilang pagsisikap.

Iniladlad din ang malaking streamers bilang pagsalubong sa team.

Para sa mga kababayan, itinuturing pa rin nilang bayani ang mga player dahil sa ipinakitang tapang at puso sa pakikipaghamok sa malalakas na team sa kabila na halos dalawang buwan lamang ang preparasyon.

Para sa fans, kung ikokompara ang Gilas, noong nakarang taon pa nagsimula sa kanilang preparasyon ang powerhouse China.

Ipinagtanggol din ng ibang die hard basketball fans ang Gilas dahil kung tutuusin walang pantapat sa apat na mga higante na ipinarada ng China.

Habang ipinagmalaki nang naturalized player na si Andray Blatche at iba pang kasama ang kanilang nakamit na silver medal.

Labis din ang pasasalamat ni national head coach Tab Baldwin sa Filipino fans.

Ayon sa kanya, walang salita na makapagbubuo ng kanilang todong pasasalamat sa mga dasal at suporta na ibinigay sa kanilang koponan.

Malaki aniya ang utang na loob nila sa fans na nagmamahal sa larong basketball.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *