ZAMBOANGA CITY – Natupok ang katawan ng isang 75-anyos lolo at dalawang bata sa malaking sunog na naganap sa Brgy. Tumaga, Zamboanga City kahapon.
Kinilala ang tatlong biktima na sina Solomon Albuso, 75; Jomar Lumibao, 6, at si Senamae Lumibao, 10.
Sumiklab ang sunog mula sa isang bahay sa lugar bago mag-12 p.m. kahapon.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay.
Bukod dito, maliit ang daan kaya nahirapang makapasok ang mga bombero.
Ayon sa barangay kapitan sa lugar, tinatayang mahigit 200 bahay ang nasunog.