Friday , November 15 2024

Syrian, Pinay arestado sa terror plot sa Saudi

RIYADH – Inaresto ang isang Syrian at isang Filipina dahil sa tangkang pambobomba sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi Interior Ministry, kinilala ang mga suspek na sina Yasser Mohammad al-Brazy, habang ang Filipina ay tinukoy lamang sa pangalang “Lady Joy”.

Hinala ng mga awtoridad, ang Filipina ay pinilit ng Syrian na sumama sa kanya makaraang tumakas sa amo noong nakaraang taon.

Posible rin daw na pinilit ng suspek ang babae na mag-convert sa paniniwala bilang Islam.

Sinasabing inilagay ng dalawa ang mga bomba sa paligid ng kanilang tirahan sa al-Fayhaa, malapit sa Saudi capital.

Umabot sa 12 oras bago tuluyang natanggal ng mga miyembro ng security forces ang mga pampasabog.

Nitong nakaraang Lunes lamang, sinabi ng Interior Ministry na nakapagtukoy sila ng mga terorista sa apat na simultaneous operations sa Riyadh at eastern city ng Dammam.

Iniuugnay din ang mga ito sa ilang pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng Saudi, partikular na sa ilang mosque at security forces, na dose-dosena ang naitalang namatay. (Al Arabiya News)

Pinay sa terror plot sa Saudi inaalam – PH Embassy

INAALAM pa ng Philippine Embassy sa Riyadh kung sino ang Filipina na inaresto sa tangkang pambobomba sa Saudi Arabia.

Ayon kay Ambassador Ezzedin Tago, wala pa silang impormasyon na nangtanggap mula sa mga awtoridad hinggil dito.

Nabatid na kinilala ni Saudi Interior Ministry, ang Filipina sa pangalang “Lady Joy”.

Legal aid sa inarestong Pinay pinatitiyak

PINATITIYAK ng Malacanang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang legal assistance sa Filipina na inaresto sa Saudi Arabia na nasangkot sa terror plot.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa embaha ng Filipinas sa Saudi upang matulungan sa legal na aspeto ang kababayan.

Nais aniya ng pamahalaan na makusap nang personal ang Filipina upang malaman ang kanyang kaso.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *