Sunday , December 22 2024

Roxas Robredo na nga ba?

“MALAMANG.” Ito ang mariing sagot ni Senate President at Liberal Party Vice Chair Franklin Drilon noong tanungin kung pumayag maging running mate ng pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas si Camarines Sur Representative Leni Robredo.

Ikinuwento ni Drilon ang naging mga diskusyon para sa pagtakbo ni Robredo. “Inalok kay Congresswoman Leni Robredo ang pagka-bise presidente at katandem ni Mar Roxas. Siya po ay humingi ng konting panahon para komunsulta at makonsulta ang kanyang mga anak at kaalyado; at siya po ang sa aming tingin ang karapat-dapat na maging bise presidente dahil ay siya po, she personifies good governance – the good governance that endeared Jesse Robredo sa kanyang mga kababayan, lalo na po sa Naga City,” sabi niya.

Marami ring miyembro ng Partido Liberal ang naniniwalang papayag si Robredo sa alok ng LP. Pati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ay tumulong sa pagkumbinse kay Robredo at sa kanyang anak sa pamamagitan ng pakikipagpulong nito ng personal sa pamilya.

Lumabas naman ang balitang may kinalaman si presidential sister Kris Aquino sa nabuong desisyon ni Robredo na tanggapin ang alok ng administrasyon. Ilang source ang nagsabi na nakumbinse si Robredo ng sabihin ni Kris sa isang episode ng kanyang programa na ang wish niya sa nakalapit na Pasko ay manalo ang mga kandidato ng kanyang kapatid sa eleksyon sa 2016.

Ngayong araw malalaman kung sasabak si Robredo sa labanan bilang Bise Presidente. Nauna ng nagdeklara ng kanilang kandidatura sina Senador Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *