63 mangingisda missing sa 2 rehiyon (Dahil kay Kabayan)
Hataw News Team
October 5, 2015
News
KABUUANG 63 local fishermen sa region 1 at region 3 ang naiulat na nawawala.
Ito’y kahit nakalabas na ng PAR ang Bagyong Kabayan.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (RDMMC), nasa 31 mangingisda ang una nang nasagip ng mga awtoridad.
Habang ayon sa report ng RDMMC region 1, nasa kabuuang 7 fishing vessels ang kasalukuyang nakita na at nasagip na rin ang 35 mangingisda.
Habang nakabalik nang ligtas ang walong fishing vessel at ang nasa 72 n mangingisda.
Napag-alaman, karamihan sa mga mangingisda na naiulat ‘missing’ ay sa may bahagi ng Pangasinan.
Kaugnay nito, hindi tumitigil ang mga miyembro ng PNP, Philippine Coast Guard, Philippine Army kasama ang ilang mga volunteer fishermen, sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa karagatan ng La Union at Pangasinan.
P18-M inisyal na pinsala ni ‘Kabayan’
UMAABOT sa mahigit P18 milyon ang inisyal na pinsalang iniwan ng Bagyong Kabayan sa sektor ng agrikultura at infrastraktura.
Sa report ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), P16 milyon ang pinsala sa imprastraktura sa probinsiya lamang ng Pangasinan dahil sa Bagyong Kabayan.
Ilang mga daanan kabilang ang mga tulay mula sa limang distrito ng probinsiya ang napinsala dahil sa malakas na buhos ng ulan at hangin.
Habang sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), umaabot sa P1.20 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa probinsiya ng Pangasinan habang P1.116 milyon ang pinsala sa probinsiya ng Aurora.
Sa kabilang dako, nagpapatuloy pa rin ang assessment o pagtaya hinggil sa pinsala na iniwan ng bagyo sa mga lugar na hinagupit nito.
Samantala, nasa kabuuang 4,565 pamilya o nasa 22,368 persons ang nananatiling apektado mula sa probinsiya ng La Union, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija at Zambales.
Patuloy na nananatili sa pitong evacuation centers ang nasa 1,391 pamilya o nasa 6,480 katao.
Nasa 50 barangays mula sa probinsiya ng Pangasina, Nueva Ecija at Pampanga ang lubog pa sa tubig baha.
Habang umaabot sa 131 kabahayan ang napinsala, 27 dito ay totally damaged habang 104 ang partially damaged.
Nasa kabuuang P685,210.00 halaga ng relief assistance ang ibinigay ng DSWD sa probinsiya ng Aurora, Bulacan at Nueva Ecija.