Sunday , December 22 2024

20-hour water interruption ‘di natuloy pero mag-ipon pa rin (Ayon sa Maynilad)

NAGBABALA ang Maynilad Water Services Inc. na hindi dapat maging kampante ang kanilang mga consumer kahit ipinagpaliban ang dapat sana’y hanggang 20 oras na water interruption simula ngayong araw, Oktubre 5.

Ayon kay Engr. Ronald Padua, pinuno ng Maynilad water supply interruption, dapat ay mag-imbak pa rin ng tubig para matiyak na may magagamit ang mga consumer.

Mananatili kasi aniya ang unang ipinatupad na water interruption mula 9 p.m. hanggang 4 a.m.

Nabatid na hindi muna itinuloy ng Maynilad ang mas mahabang water interruption dahil sa pagtaas ng tubig sa Angat dam na siyang pinagkukunan ng water supply sa kalakhang Maynila.

Ito’y dahil sa ulan na idinulot ng bagyong Kabayan kaya tumaas nang mahigit isang metro ang level ng tubig.

Mula 189.91 meters, ay 191.05 meters na ang tubig sa Angat dam, habang sa Ipo ay 101.05 meters na mula sa dating 99.92 meters, at La Mesa dam na 79.49 meters mula sa 79.18.

Sa Ipo at La Mesa dam bumabagsak ang tubig mula Angat.

Bunsod nito, sa pagtaya ng Pagasa, mapupunan na ang konsumo ng tubig sa loob ng anim na araw o hanggang sa susunod na araw ng Linggo.

Samantala sa Manila Water consumers, aasahan pa rin ang anim na oras na mahinang suplay ng tubig mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.

Ngunit ayon kay Manila Water spokesperson Jeric Sevilla, posibleng madoble ang nasa 155 barangay na apektado ng water reduction sa susunod na linggo.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *