Sunday , December 22 2024

12 health workers negatibo sa MERS

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ang 12 health workers.

Ginawa ang pagsusuri sa health workers na nakasalamuha ng Saudia national na namatay dahil sa MERS-CoV dito sa bansa.

Ayon kay DoH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, isinailalim sa pagsusuri ang health workers dahil sa ipinakitang sintomas ngunit sa ngayon ay mabuti na ang pakiramdam habang patuloy pa rin na mino-monitor sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at San Lazaro Hospital sa loob ng 14 araw.

Bukod sa naturang health workers, nagsimula na rin ang Task Force MERS-CoV na tuntunin ang iba pang nakasalamuha ng Saudia national, kabilang na ang 55 hospital staff, 15 hotel staff at tatlong funeral parlor workers.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *