Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Convoy ng vice mayor pinasabugan, 3 patay (5 pa sugatan)

ZAMBOANGA CITY – Tatlo ang patay habang habang lima ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa may Brgy. Sunrise, Isabela City, Basilan pasado 1 p.m. kahapon malapit mismo sa bahay ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar.

Batay sa report ng mga awtoridad, sumabog ang bomba habang dumadaan ang  convoy  ni Incumbent Isabela City Vice Mayor Abdulbaki Ajibon.

Nabatid na agad binawian ng buhay ang tatlong lalaki kabilang ang dalawang tauhan ni Vice Mayor Ajibon na nasa front seat ng sasakyan.

Habang ang isa pang lalaking nasugatan na dumaan lamang sa lugar, ay kinilalang si Gregorio Heneral Delgado.

Hinala ng awtoridad, posibleng inilagay ang bomba sa nakaparadang tricycle sa lugar.

Ginagamot na sa ospital ang limang mga sugatan sa pagsabog.

Inaalam din kung ligtas sa pagsabog si Vice Mayor Ajibon na kasamang nakasakay sa convoy kahapon nang sumabog ang bomba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …