Friday , November 15 2024

Pag-aresto kay Ecleo tiniyak ng CIDG

KABILANG sa pinagtutuunan ng pansin ng PNP-CIDG ay maaresto ang isa sa “big five” na si dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Ayon kay PNP CIDG chief, Chief Supt. Victor Deona, may mga hakbang na silang ginagawa para maaresto si Ecleo ngunit tumangging sabihin kung ano na ang resulta ng kanilang pagtugis.

Siniguro ng heneral na gagawin nila ang lahat para makompleto sa kulungan ang “big five.”

Sinabi ni Deona, patuloy na nagsusumikap ang kanyang mga tauhan para matunton ang posibleng pinagtataguan ng wanted na mambabatas.

Pahayag pa niya, hindi pwedeng idaan sa takutan o bigyan ng ultimatum ang mga tauhan para matagpuan si Ecleo dahil dumidepende sa natatanggap na mga impormasyon ang kanilang misyon.

 Umaasa si Deona na sa pinakamabilis na panahon ay mayroon ding magkalakas loob na impormanteng makapagtuturo sa pinagtataguan ni Ecleo para ganap nang maaresto.

 Si Ecleo ay may patong na P2 milyon pabuya sa ulo tulad ng alok sa unang apat na nahuli sa “big five” na sina Globe Asiatique developer Delfin Lee; retired Gen. Jovito Palparan, dating Palawan Gov. Joel Reyes, at dating Coron Mayor Mario Reyes.

 Nahaharap sa kasong parricide si Ecleo dahil sa pagpatay sa kanyang asawa na si Alona Bacolod-Ecleo noong taon 2002.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *