Friday , November 15 2024

Buwis mas mababa — Chiz (Sa gobyernong may puso)

1001 FRONT“WALANG isasakripisyong proyekto o ni isa mang mapagkakaitan ng kinakailangang serbisyo kung ibababa natin ang income tax. Kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, maraming dahilan.” 

Ito ang pahayag ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero sa gitna ng pagsopla ni Liberal Party candidate Mar Roxas sa lumulobong panawagang ibaba ang binabayarang buwis ng mga obrero dahil katumbas umano ng ipapasang batas sa pagpapababa ng income tax ang pagbasura sa maraming mga proyekto ng gobyerno.   

“Sinabi ko sa Club Filipino na kailangan natin ng gobyernong may puso para maghanap ng pamamaraan kung paano mapababa ang presyo ng koryente, bilihin at buwis na ating binabayaran,” ayon kay Escudero.

“Kung talagang may malasakit ang gobyernong ito sa tatlo hanggang apat na milyong Filipino ‘middle income earners’ na makikinabang sa pagpapababa ng kanilang binabayarang buwis, at may pagdamay sa kanilang araw-araw na pagpupunyagi, dapat maghanap ng paraan upang ito ay maisakatuparan,” pahayag ng mambabatas.

Batay sa June 2015 Pulse Asia survey, ayon kay Escudero, ang sahod, trabaho at mataas na presyo ng bilihin ang mga natatanging usaping mahalaga at itinuturing na kailangan pagtuunan nang agaran base sa sentimyento ng mga sumagot “across all geographic areas and socio-economic classes.” 

“Maliwanag na ito ang mga isyung dapat tugunan ng gobyerno. At ang pagpapababa ng binabayarang buwis ang isa sa mga mabisang paraan para bigyan ng agapay ang ating mamamayan,” ayon sa senador.

Ito umano ayon sa Bicolanong mambabatas ang dahilan kaya kabilang ang pagpapababa ng buwis sa panukalang plataporma ni Sen. Grace Poe nang pormal na magpahayag ng plano para tumakbo bilang pangulo nitong nakaraang buwan lamang.

Ayon kay Poe, dahil ang Filipinas ang isa sa may pinakamataas na buwis sa mundo, nais nitong ibaba ang income tax upang “bigyan ng pagpapahalaga ang karapatan ng ating mga kababayang pumili kung paano gagastahin ang perang pinaghirapan nila.”

Bilang susog sa nauna nitong panawagan sa Malacañang na sertipikahan bilang “urgent” ang pagsasabatas ng panukalang magpapababa sa income tax, sinabi ni Escudero maging ang mga kaalyado ng Palasyo sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay maingat na pinag-aralan ang nasabing panukala at pinag-uusapan ang  mga  suhestiyon  upang punan ang tinatayang P30 bilyong mawawala sa gobyerno kada taon. 

“Hindi natin kailangan itaas ang VAT dahil nauna nang itinaas ng Sin Tax ang taunang koleksiyon ng gobyerno. Ang pagpapababa ng income tax ay lalo pa ngang magpapalawak ng kinokolektahang bahagi ng lipunan, palalakasin nito ang kakayahang mamili ng ating mga kababayan, at patataasin din nito ang pagkonsumo – na magpapalago ng produksyon at pagkakataon sa trabaho at pagkakakitaan. Kailangan ng mas mababang buwis – ngayon.”

Si Escudero ang pangunahing sponsor ng Republic Act No. 9504 na nagbigay ng “exemption” sa pagbabayad ng buwis ng mga minimum wage earners mula sa kanilang “basic pay, holiday pay, overtime pay, night differential at hazard pay.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *