Friday , November 15 2024

VP nanggugulo lang

VP binaySINAGOT ni Mar Roxas ang mga pasaring ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa plano daw na dayain siya sa darating na eleksyon.

“Ano pang ine-expect natin sa mga taong di humaharap sa mga paratang sa kanya?” sabi ni Roxas nang makausap ito ng mga mamamahayag pagkatapos ng panunumpa ng mga opisyal ng Liga ng mga Barangay sa isang hotel sa Parañaque.

“Guluhin ang usapan, mag-aakusa ng kung anu-ano. Wala kaming history ng pandaraya,” diin ni Roxas.

Sinariwa ni Roxas ang naging sitwasyon noong huling nakalaban niya si Binay para sa puwesto ng bise presidente noong 2010, kung saan lumamang si Binay ng mahigit 700,000 na boto lamang. Maraming nagsa-sabing dahil ito sa pagdeklarang walang bisa ang dalawang milyong boto mula sa Regions 6 and 7 sa Visayas, ang kilalang balwarte ni Roxas, na kinikilalang anak ng Visayas.

“Ako po ang minsang nadaya, dalawang milyong null votes sa Visayas. Ako bilang biktima, ipaglalaban ko ang tapat at malinis na halalan,” pahayag ni Roxas nang hingan siya ng reaksyon sa naging pasaring ni Binay.

Ngayon lang nilitaw ni Binay ang mga sinasabing pangambang pandaraya, kung kelan nalampasan na siya ni Roxas sa pinakabagong Ulat ng Bayan ng Pulse Asia.

“Napakahalaga na maging maayos at matuwid ang susunod na halalan,” sabi ni Roxas.

Patuloy ang pag-angat ng mga rating ni Roxas sa mga lumalabas na survey pagkatapos iendorso ni  Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang kanyang manok sa Daang Matuwid sa darating na eleksiyon.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *