Friday , November 15 2024

NP mawawasak sa 2016 elections

MALAKI na ang posibilidad na tuluyang mawasak ang Nacionalista Party (NP), isa sa pinakamalaking partido politikal, sa 2016 elections.

It ay makaraang tuluyang magdeklara sa Davao City si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na tatakbo siyang bise presidente sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, isa sa mga miyembro ng partido, at asawa ni NP President Manuel “Manny” Villar, sakaling hindi magkaisa ang mga miyembro ng partido ay magkakaroon sila ng SONA libre.

Bukod kay Cayetano, una nang nagdeklarang tatakbong ikalawang pangulo si Senador Antonio Trillanes IV, habang si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ay isa rin sa matunog ang pangalan  na tatakbo bilang bise presidente.

Aminado si Villar, sa kabila ng mga sari-sariling desisyong ito ng kanyang mga kapartido,  hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magkakaisa ang tatlo at magiging buo ang NP, at iisang partido lamang ang kanilang susuportahan.

Habang iginagalang nina Trillanes at Marcos bilang kasama sa partido, ang deklarasyong ito ni Cayetano.

Agad din nilinaw ni Marcos na igagalang din niya ang ano mang magiging desisyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte lalo na’t dito mismo sa lugar ng alkalde nagdeklara si Cayetano.

Magugunitang bago pa man nagdeklara si Duterte na aatras sa  2016 election at magpapahinga sa politika, ay matunog ang ugong kaugnay sa Duterte-Marcos tandem.

Nauna rito, inamin ni Marcos, isa sa mga ikinokonsidera niya sa paggawa ng desisyon o ano mang deklarasyon, ang magiging desisyon ni Duterte.

Inamin ni Marcos, hanggang sa kasalukuyan ay tuloy ang usapan nila ni Duterte ngunit hindi niya maaaring idetalye sa publiko.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *