Hepe ng isang gov’t agency choosy guy
Jethro Sinocruz
September 29, 2015
Opinion
THE WHO ang isang government official na hindi akma sa kanyang posisyon ang asal sa ibang mamamahayag?!
Himutok ng isang lady reporter na nagsumbong sa atin, “Choosy Guy” si sir or in short C.G., dahil namimili raw kung sino lang ang dapat na mag-interview sa kanya!
Tinamaan ka naman ng magaling boss tsip parang ‘di naman makatao yata ang pinaggagagawa mo.
Sentimyento ng lady reporter na kasing bait ng isang anghel, pumunta siya sa Public Information Office (PIO) ng ahensiyang pinamumunuan ni C.G. para kapayanamin siya pero hindi ito nangyari.
Paano ba naman sabi ng PIO chief ni C.G., dapat daw may letter of request muna bago ma-interview si Herodes ‘este si Hepe dahil ‘yan daw ang utos sa kanya ng makatao raw niyang amo.
Ha?! What letter of request pa? Baka may P.S. pa ‘yan?.
Hehehehehehehe.
Sabagay hindi siguro alam ni C.G. ang buhay ng media na laging naghahabol ng deadline kung kaya’t pinahihirapan niya ang ilan sa aming hanay.
Dahil sa pangyayaring ‘yun humirit pa si lady reporter na baka puwedeng makuha na lang ang number ni sir pero hindi rin siya pinagbigyan dahil may bagong rules na nga raw!
Kulit kasi e! Wahahahahaha!
Ang tanong niya kay PIO chief bakit ‘yung ibang reporter ibinibigay ‘yung number ni C.G. dahil nababasa niya ang mga artikulo ng ibang reporter na ang pinagkunan nila ng detalye ay galing kay sir sa pama-magitan ng text?
Hehehehehehe… simple lang ‘yun sis, tablado ka at ang diyaryo n’yo!
‘Yun lang ‘yun!
Matagal-tagal na rin nagko-cover sa ahensiyang iyon si lady reporter at ang lahat ng mga namuno roon ay open sa lahat ng media dahil wala naman silang dapat katakutan o iwasan.
Sa totoo nga lang, lahat ng namuno roon ay ibinibigay ang kanilang personal number dahil makatao silang maituturing.
Napag-alaman ko pa sa ibang mamamahayag na talagang ganoon daw si C.G. kung magtrato ng ibang media practitioner kahit na noong nasa ibang ahensiya pa siya ng gobyerno.
WHO-laan n’yo kung sino si SIR, na eli-tista ang arrive!