Friday , November 15 2024

Babaeng sinapian ng bad spirit utas sa biyenan

BACOLOD CITY – Bumulagtang walang buhay sa gitna ng ulan sa labas ng kanilang bahay ang isang babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan nang magwala ang biktimang sinasabing sinapian ng masamang espirito kamakalawa sa Sitio Canbanong, Brgy. Guiljungan, bayan ng Cauayan, sa Negros Occidental.

Ayon kay PO1 Errol Sebua, case investigator ng Cauayan Police Station, ang 22-anyos biktimang si Annabelle Fundales ay may 27 maliliit na saksak sa katawan at basag ang ulo.

Habang kinilala ang suspek na si Susimo Burdago, 68, biyenan ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagwala ang biktima dahil sinaniban ng masamang espirito at upang tumigil,pinagsasaksak siya ng kanyang biyenan at pinalo sa ulo gamit ang baton stick na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Samantala, ayon sa pamilya ng biktima, may karanasan na sila noon na sinasapian ng masamang espirito ang biktima at tila nababaliw.

Inako agad ng suspek ang krimen at nasa kustodiya na siya ngayon ng pulisya.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *