Friday , November 15 2024

4 resort employee nalason sa brownies

DAGUPAN CITY – Hinihinalang nabiktima ng food poisoning ang apat empleyado ng resort kabilang ang 68-anyos lola, makaraang kumain ng brownies bread sa Brgy. Tiblong bayan ng San Fabian, Pangasinan kamakalawa.

Mismong ang may-ari ng Moonlight Bay Resort na si Ginang Ofelia Sharzadeh ang nagparating sa pagkalason ng mga empleyado niya na kinilalang sina Dessy Ann Buado, 19, front desk; Leonora Calica, 68, chef; Analyn Molina, 26; at Leliosa Grampa, 33, waitress.

Sa inisyal na imbestigasyon, isa sa kanilang kustomer na kinilalang si Archie Bautista, 30, isang negosyante, residente ng Angeles City, Pampanga, ang nagbigay ng brownies bread sa waitress ng resort na si Jonalyn Suba, 33, na ibinahagi niya sa apat na kasamahan sa trabaho.

Ngunit ilang minuto ang nakalipas makaraang makain ng mga biktima ay nakaranas sila ng pagkahilo at pagsusuka dahilan para isugod sila sa pagamutan.

Lumalabas sa inisyal na resulta ng pagsusuri ng Region 1 Medical Center sa Dagupan, mayroong hinihinalang ilegal na droga na inilagay sa brownies bread na nakain ng mga biktima.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudiya na ng San Fabian PNP habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *