Opisyal ng Manila City Hall pinatalsik… humahataw pa rin?
Hataw
September 25, 2015
Opinion
SA pagHATAW ni Bato–Bato … ang ma HATAW ay huwag magagalit! Trabaho lang, ‘ika nga! Sapagkat sa pagkakataong ito mga ‘igan ay hindi natin mapalalagpas ang patuloy na pagHATAW at pamamayagpag ng isa umanong tiwaling opisyal ng Manila City Hall, na ayon sa aking ‘Pipit’ ay makailang beses nang “Dismissed From The Service” ng Office of the Ombudsman, pero hayun … tuloy pa rin ang pagkampay ng kanyang mga pakpak bagamat puro “Grave Misconduct” ang kasong kinasasangkutan!
Sus Ginoo… Ano ba ito …
Pero mga ‘igan, sa totoo lang, ano nga bang klaseng lakas o’ ‘power meron ang dating Barangay (131) Chairman ng Zone 11, District II ng Maynila? Mantakin n’yong matapos ipatupad ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang na-ging hatol o desisyon ng Ombudsman laban kay OIC, Administrator of Manila South Cemetery ay sus… nasa Quiapo umano’t kaanib sa Task Force Organized Vendor (TFOV)!
Wow naman, ang galing mo talaga P’re! He…He…He… Alam ba ‘yan ni Mayor Erap? O, baka naman nagka–‘Amnesia’ ang ilang mga taong konsintidor umano sa ipinataw sa iyong… “GUILTY of Grave Misconduct and Conduct Pre-judicial to the Best Interest of the Service, Meted the penalty of DISMISSAL FROM THE SERVICE with Cancellation of Eligibility, Forfeitures of Retirement Benefits, Perpetual Disqualification from Holding Public Office… “Aba’y mga ‘igan, manumbalik nawa ang inyong ulirat at bigyan ng leksi-yon ang ganitong klaseng nilalang! Pero kung pakapalan na lang ng mukha ay bahala na si Batman o’ si Asyong Salonga… he…he…he…
Ang siste pa nga nito mga ‘igan, ang sumbong ng aking “Pipit”. . . kaya umano nasa Task Force Organized Vendor ang ‘ungas’ ay para mangulimbat umano ng kanyang panghataw sa nalalapit na eleksyon. Ha? May ganon? Dagdag pa ng aking “Pipit” . . . sasabak pa umano bilang Konsehal ng Maynila! HA HA HA…
Pasensya na po mga ‘igan, sadyang napalakas lang talaga ng aking halakhak!
Pero…Teka…teka… alam ba ng “Mamang” ito ang sinasabi at mga plano n’ya? Aba’y magi-sing ka naman sa katotohanan! At alin ba ang tama? Bababuyin mo ang sambayanang Manilenyo o ang Administrasyong “Erap?”
Aba’y kung saka-sakali’y maawa ka naman sa mga pobreng mamamayang mabibiktima mo! Tahasang panloloko na naman ‘yan ‘igan! Ano pa kaya ang maaaring ikaso sa “Mamang” ito? Aba’y wala na! Dapat dito’y matuldukan na ang maling gawa nito, ‘di ba mga ‘igan? Tama na ang paghataw . . . baka pamarisan pa! ‘Ika nga… “Do the Right Things and Do Things Right.” Now na po!
Dagdag Balani… Abangan po ninyo sa susunod na isyu… ating kakalkalin ang iba pang isyung kinasangkutan ni dating Barangay (131) Chairman na ito ng Zone 11, District II ng Maynila at dating OIC, Administrator of Manila South Ce-metery… Hindi natin ito tatantanan… para sa kapayapaan ng lahat!
Atin din bubusisiin ang mga aksyon ng ME-RALCO at MAYNILAD laban sa illegal connections ng mga pobreng mamamayan sa Brgy. 355 Zone 35 District III at sa Brgy. 211 Zone 19 District II. Sadya nga bang ‘di makatao ito at panggigipit lamang sa pamilya ng nasabing barangay?
Abangan…
Johnny Balani