Mr. Bean ng Senado abnoy dumiskarte
Jethro Sinocruz
September 24, 2015
Opinion
THE who itong isang Senador na masasabing isa sa mga mambabatas na may paninindigan kapag prinsipyo ang usapan ngunit may ‘style’ na laban o bawi pala?
Itago na lang natin sa alyas na “Mr.Bean” si kagalang-galang Senador, kasi naman parang abnoy daw kung minsan kapag nagdedesisyon.
Har har har har har har har!.
Bilang patunay, may lumapit sa tanggapan ni Mr. Bean na Parents Teachers Association (PTA) officers upang humingi ng tulong para sa kapakanan ng kanilang eskuwelahan at sa ikabubuti ng mga estudyante.
Actually hindi naman talaga manghihingi ‘yung grupo dahil may raffle ticket silang dala para ibenta kay Senador at siyempre ‘pag nabunot ‘yung number sa raffle may mapapala rin naman kahit paano.
Ang siste, hindi naman tinanggihan ni Mr. Bean ang alok ng grupo, ipinaiwan pa nga ‘yung raffle ticket sa kanila dahil ‘di naman kalakihan talaga ang presyo, kumbaga mani-mani lang.
Pangako ng isa sa mga staff ni Mr. Bean, balikan na lang nila ‘yung bayad na labis namang ikinatuwa ng grupo kasi nga matulungin si ‘Sir’ lalo na pagdating sa edukasyon.
Heto na ngayon ang twist ng istorya, makalipas ang ilang araw may dumating na kilalang cargo courier sa eskuwelahan ng PTA officers.
Ang buong akala nila ay ipinadala na ni Senador ang bayad para ‘di na sila maabala pa ‘yun pala ipinabalik ang mga raffle ticket!
Anak ng timawa, naka-cargo pa! Wahahahahaha.
Pambihira ‘yan, imbes ‘yung service charge sa courier ay ipinadala na lang sa paaralan at baka nakabili pa ng maraming basurahan ay ipina-cargo pa! Toink!
Ang lalo pang ikinadesmaya ng grupo, ang ginawang pagbati ng isang broadcaster noong araw ding iyon na nagpapasalamat sa ipinadalang cake sa kanya ni Mr. Bean!
Hahahahahahahaha! Tawa much!
Parang nang-aasar lang ‘no?
Sa ganang atin, unawain naman natin si Mr. Bean baka ang kaya lang talaga ng budget nila ay pang-cake lang, kayo naman!
Pero teka…bakit kasi tinanggap pa ‘yung raffle ticket e tatablahin din naman pala? Masakit nga naman iyon.
Kayo riyan sa Senado kilala n’yo ba kung sino si Mr. Bean?!
Hmmmmmnnn, think of it!.