Friday , November 15 2024

Mar nahabol na si Poe at VP

LALONG uminit ang karerang pampanguluhan sa bagong resulta ng pre-election survey ng Social Weather Stations o SWS.

Sa survey na pinondohan ng pahayagang Business World na sumakop ng 1,200 respondents na ginanap nitong Setyembre 2 –  Setyembre 6, tinanong ang mga na-survey kung sino ang iboboto nila para maging pangulo kung sakaling araw na ng halalan.

Pinapili ang mga respondent mula sa listahang may 12 pangalan.

Dalawampu’t anim na porsiyento (26%) ang pumili kay Senador Grace Poe, habang 24% ang  kay Vice President Jejomar Binay at 20% ang kay Mar Roxas na pambato ng Aquino administration.

Dahil may palugit sa pagkakamali ang survey na ‘di bababa at ‘di hihigit sa 3%, tinawag na “statistical tie” o halos tabla ng mga political analyst ang resulta ng survey.

Malaki ang iniangat ng rating ni Roxas na sa huling survey ay nakakuha ng 10%.

Ibig sabihin, sa loob ng tatlong buwan lamang ay dumoble agad ang mga numero nito, pagkatapos endorsohin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang personal niyang pambato at kandidato.

“Roxas had only 4 percent, but now his rating went up to 20 percent. That’s a tremendous 16% jump,” pahayag ni Senate President at Liberal Party stalwart Franklin Drilon.

Ikinatuwa ni Drilon ang pagtabla ni Roxas kay Poe at Binay.

“Roxas’ zooming trajectory is very evident in all surveys. This should be a cause of concern for his opponents because, by all indications, it is just a matter of time before Roxas gets ahead of them,” aniya.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *