Sunday , December 22 2024

Diskresyon sa BI Express Lane Fund tinanggal kay Mison (Senado nagdesisyon)

MisonWALA nang karapatan si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na pagpasyahan kung saan gagastusin o ilalaan ang bilyon-bilyong pisong nakokolekta mula sa Express Lane dahil ipapasok na ito sa National Treasury bilang revenue ng pamahalaan. 

Ayon kina Senadora Loren Legarda, Chairman ng Senate Committee on Finance at Senate President Franklin Drilon dapat nang wakasan ang abusadong pagwawaldas o paggamit ng naturang pondo na hindi nalalaman at walang pagsang-ayon ng pambansang pamahalaan.

Ipinaliwanag man kung saan ginagastos ang nakokolektang pondo mula sa Express Lane hindi kombinsido ang Senado sa tila ‘malayang’ diskresyon ni Mison sa nasabing pondo. 

Bunga nito, inirekomenda ng mga senador na maglagay ng probisyon sa General Appropriation Act (GAA) na kailangang iremita sa National Treasury ang lahat ng nakokolekta mula sa Express Lane bilang revenue ng pamahalaan.

Kasunod nito, dapat na rin magsumite ang BI ng detalyadong budget item gaya ng suweldo, benepisyo, overtime pay at iba pang uri ng incentives para sa mga empleyado.

Kabilang sa mga tinukoy ni Mison na pinaglalaanan ng nakokolekta sa Express Lane ang withholding tax, health benefits, contractual salary at overtime payment ng mga empleyado ng ahensiya.

Gayon man bigo si Mison na makombinsi ang Mataas na Kapulungan matapos igiit ng mga senador na kailangan magsumite ng pormal na kahilingan at kaukulang dokumento ang ahensiya sa National Treasury at Department of Budget  and Management (DBM).

Tinutulan ni Mison ang panukala ng mga Senador ngunit nabigo siya sa bandang huli dahil napatunayan na ang koleksiyon mula sa Express Lane ay maituturing na public funds at hindi pribado.

Lalo pang hindi nakombinsi ni Mison ang mga senador nang aminin niya na nagsusumite sila ng disbursement at liquidation sa Department of Justice (DOJ) at Commission on Audit (COA) pero hindi ito sumailalim sa masusing pagsusuri.

Umabot sa P1.2 bilyon ang nakolekta sa Express Lane ng ahensiya at dahil dito, hiniling ng mga senador kay Mison na isumite ang liquidation at breakdown kung paano ginagastos at saan napupunta ang mga nakokolektang pondo mula sa Express Lane.

Maging si DOJ Secretary Leila De Lima ay sang-ayon sa naging rekomendasyon ng senado lalo na’t hindi umano niya batid ang kabuuang katotohanan sa mga dokumentong isinusumite sa kanya.

Dumalo sina Mison at De lima sa sa senado upang kanilang idepensa ang panukalang budget ng DOJ para sa susunod na taon na umabot sa P13.582 bilyon.

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *