Friday , November 15 2024

Singson kalaban ninyo ‘di kami — Sekyu ni Chavit (Sinabi sa Vargas couple bago napatay)

ITO ang pahayag ng isang security guard na kinilalang si Rogelio Mariano alyas Kamatis, sinasabing tauhan ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson, sa uploaded video sa YouTube, na kuha bago ang naganap na extra-judicial killing nitong Sabado sa mag-asawang sina Roger at Lucila Vargas, kapwa lider-magsasaka ng San Jose Del Monte, Bulacan.

“It is obvious that the security guard’s video revealed who is behind the land-grabbing in Barangay San Isidro. Apparently, he did it on purpose to intimidate and harass the farmers that they are up against a notorious warlord,” pahayag ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) secretary general Antonio Flores.

Nitong Sabado, Setyembre 19, ang mag-asawang Vargas, kapwa lider ng Nagkakaisang Magsasaka sa San Isido (NAGKAISA)  at aktibong miyembro ng Alyansa ng Magbubukid ng Bulakan – San Jose Del Monte, ay pinagbabaril ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang patungo ang mga biktima sa Grotto market sa Brgy. Tungkong Mangga para ibenta ang inani nilang mga gulay.

Sa mahigit 13-minutong video na ini-upload sa YouTube noong umaga ng Setyembre 18, ang mag-asawang Vargas ay nagkaroon ng pakikipagtalo sa mga security guard ng SUPERB Security Agency sa pamumuno ni Mariano na nagpakilalang mga tauhan sila ni Singson, sinasabing may-ari ng pinag-aagawang 11-hectare agricultural land sa Brgy. San Isidro.

Nakakuha ang grupo ng mga magsasaka ng dokumento na may letterhead ng Province of Ilocos Sur may petsang Setyembre 15, 2015 at may pirma ni Singson, hinihiling kay Brgy. San Isidro Chairman Marcial Gannaban “to give assistance to their geodetic engineers and workers to ensure their safety in conducting the clearing, study, and topographic mapping” sa nabanggit na lupain.

Sinabi ng mga magsasaka, iginiit ng mga security guard na kabilang sa lupain ni Singson ang lupang inuukupahan ng mag-asawang Vargas.

Samantala, sinabi ni Atty. Jobert Pahilga, executive director ng Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo (Sentra), institusyon nagkakaloob ng legal assistance sa mga magsasaka, inihahanda na nila ang isasampang kasong ‘double murder’ laban sa mga security guard sa pamumuno ni Mariano, at sa mga Singson, na may-ari na  SUPERB security agency.

“The motive could establish the identity of the perpetrators,” pahayag ni Pahilga, idinagdag na “The Vargases do not have enemies and the only people who have the motive and intent are their rival in the land dispute, and in this case, the Singsons.”

“The video and documents confirm the motive and intent,” ayon pa sa abogado.

Samantala, iginiit ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (Stop Ex), KMP’s chapter sa Ilocos region, na dapat magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng mag-asawa.

“The authorities should immediately look into the possible culpability of Luis ‘Chavit’ Singson and his security agency guarding the property. The provincial government must also explain why an official letter head was utilized when Chavit is no longer the governor of Ilocos Sur,” pahayag ng Stop Ex.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *